KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

gu•ní•gu•ní

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Tingnan ang haráya
Sa guníguní niya na lámang nakakausap ang yumaong kasintahan.

2. Anumang pinaniniwalaang nadamá o nakíta ngunit hindi tunay.
Guníguní mo lang ang “aswang” na ’yon.
IMAHINASYÓN, PANTÁSYA, MALIKMATÁ, KATHÁNG-ÍSIP, APARISYÓN

Paglalapi
  • • guníguníhin: Pandiwa
Idyoma
  • lamán ng guníguní
    ➞ Nása isip lámang.
    Sa tingin ko, lamán lang ng guníguní ang mga engkanto.
  • walâ sa guníguní
    ➞ Hindi talaga naiisip.
    Walâ sa guníguní ko ang pagiging artista.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.