KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

gi•rì

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Paglígaw ng tandang sa dumalaga o inahin sa pamamagitan ng pagligid nang patagilid na lawit ang isang pakpak.
SÁRAY

2. Pagtatangkang manlígaw.

Paglalapi
  • • paggirì: Pangngalan
  • • gumirì: Pandiwa
Idyoma
  • hindî nakagirì
    ➞ Hindi nakapagtangkang lumigaw.
    Hindi nakagirì sa kaniya ang binatang kapitbahay dahil naunahan na siya ng kababata nito.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.