KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

gan•tí

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Anumang ibinibigay sa kapuwa bílang kapalit ng paglilingkod na tinatanggap.
Bílang gantí sa tulong niya, binigyan ko siya ng pangmeryenda.
BAWÌ

2. Tingnan ang higantí
Matindi ang ginawa niyang gantí sa nagpahirap sa kaniya.

Paglalapi
  • • paggantí, paghihigantí: Pangngalan
  • • gantihán, gantihín, gumantí, igantí, makagantí: Pandiwa
  • • mapaghigantí: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.