KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

gan•dá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Katangian ng sinuman o anuman na pumupukaw ng paghanga at pagkalugod (lalo na kung dahil sa anyong kaakit-akit).
Hindi nakakasáwang pagmasdan ’yong gandá niya.
DINGÁL, DILÁG, ANYÁG, RIKÍT, SANGHAYÀ

2. Pagiging kanais-nais ng anuman sa mundo.

Paglalapi
  • • kagandáhan, pampagandá, págandáhan: Pangngalan
  • • gandahán, magpágandáhan, mapagandá, pagandahín: Pandiwa
  • • magandá: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.