KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

da•ngál

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Katangian na kombinasyon ng pagiging kagalang-galang, mahusay, mahalaga, at karapat-dapat.
SANGHAYÀ

2. Mabuting pangalan o reputasyon.
DIGNIDÁD, KAPURÍHAN, ONÓR, SANGHAYÀ

Paglalapi
  • • karangálan, pagkamarangál, parangál: Pangngalan
  • • marangál, pandangál: Pang-uri
Idyoma
  • pinugáyan ng dangál
    ➞ Nilapastangan o siniraan ng puri.
  • binigyang-dangál
    ➞ Gawaran ng bagay na pupuri sa kabutihan o kahusayang ginawa.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.