KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

dag•dág

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Anumang isasáma upang makapagparami ng bílang, súkat, o halaga.
May dagdág ngayong buwan ang singil sa koryente.
ADDENDUM, ADISYÓN, DÚGANG, KARAGDÁGAN

Paglalapi
  • • karagdágan, pagdaragdág: Pangngalan
  • • dagdagán, idagdág, magdagdág, makadagdág, mapadagdág, padagdagán: Pandiwa
  • • padagdág, pandagdág: Pang-uri

dag•dág

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Isináma upang makapagparami ng bílang, súkat, o halaga.
Pahingi nga akó ng dagdág na asukal.
ADDITIONAL, ADISYONÁL

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.