KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bun•tón

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
monton
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Sáma-sámang pagkakalagay ng anuman (lalo na kung naiipon sa hugis-bundok).
Sindihan mo ang buntón ng basura sa looban.
TAMBÁK, TUMPÓK, SALANSÁN, BAGNÂ, TIMBÓN

2. Pagtuon sa damdámin.

Paglalapi
  • • pagbubuntón: Pangngalan
  • • buntunán, ibuntón, mabuntón, magbuntón, mapabuntón: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.