KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bi•ták

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Bahagi ng lupa na nakaawang o nabiyak sanhi ng lindol o ng init.

2. Tingnan ang lámat

bi•ták

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

May awáng o biyak (kung sa lupa).

Paglalapi
  • • pamitakán: Pangngalan
  • • mamiták: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.