KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

beer garden

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Bigkas
bír gár•den
Pinagmulang Wika
Ingles
Kahulugan

Panggabing bahay-aliwan na kadalasang may inúman ng alak.

beer

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Bigkas
bir
Pinagmulang Wika
Ingles
Kahulugan

Alak na gawa sa uri ng butil at halaman na karaniwang manilaw-nilaw, bumubula, at mapait-pait.
SERBÉSA

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.