KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ban•ság

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Tawag sa isang tao na naging kilalá o alam ng karamihan bukod sa kaniyang tunay na pangalan.
"Plaridel" ang banság kay Marcelo H. del Pilar.
ALYÁS, PALÁYAW, TAGURÎ

Paglalapi
  • • pagbabanság, pamanság: Pangngalan
  • • bansagán, magbanság: Pandiwa
  • • mapagbanság: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.