KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bang•káy

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Katawan ng patay na tao o hayop.
LABÍ, KATAWÁN

Idyoma
  • magdáraan sa ibábaw ng bangkáy
    ➞ Makikipaglaban na maaaring búhay ang katumbas.
    Magdáraan sa ibábaw ng bangkáy ko ang sinumang lalapastangan sa aking asawa.
  • mukháng bangkáy
    ➞ Payat na payat at nanghihina.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.