KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bang•gâ

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Malakas na paghampas ng kabuoan ng anumang láwas sa isa pang láwas.
Malakas ang banggâ ng kotse sa laláki kayâ siya namatay.

2. Pagsalungat ng sinuman sa ibang idea, interes, o pangkat ng tao.

Paglalapi
  • • banggáan, pagbanggâ, pagkabanggâ: Pangngalan
  • • banggaín, binanggâ, bumanggâ, ibanggâ, mabanggâ, magbanggáan, makabanggâ, mapabanggâ: Pandiwa
Idyoma
  • bumanggâ sa padér
    ➞ Lumaban sa isang malakas at mahirap talunin.
    Para kang bumanggâ sa padér kapag ang pámahalaán ang kinalaban mo.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.