KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ba•i•táng

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Isa sa maraming bahagi ng isang hagdan na natutuntungan upang makapag-akyat-babâ.
ESKALÓN

2. EDUKASYON Antas ng edukasyon sa paaralan.
Nása ikatlong baitáng pa lámang ang anak ko.
ANTÁS

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.