KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bí•ngit

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pinakagilid na bahagi ng anuman (lalo na kung mapanganib).
Huwag mong ilagay sa bíngit ang tása at bakâ lumagpak.
LABÌ

2. Mapanganib na kalagayan.
Nása bíngit ng kamatayan ang matandang maysakit.

bí•ngit

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Nása pinakagilid.
Bíngit ang pagkakalagay ng mangkok sa mesa.

Paglalapi
  • • mabíngit, mamíngit: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.