KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

a•ngát

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagtaas nang bahagya mula sa kinalalagyan.
Dahan-dahan ang angat ng TV, bakâ bumagsak.

2. Katayuang nakahihigit kaysa iba.

a•ngát

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Nakataas o hindi lapát sa isa pang bagay.
ALSÁDO, AWÁNG, KÁWANG

2. Nakahihigit sa karamihan sa uri at kalagayan.
Angát na angát ang kaniyang napangasawa.
HIGÍT

Paglalapi
  • • pag-angát: Pangngalan
  • • angatín, iangát, ikinaangát, inangát, maangát, mapaangát, nakaangát, umangát: Pandiwa
  • • napaáangát: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.