KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

a•lò

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagsuyo o pagpapatahan sa isang batang nagtatampo.

2. Pag-aaliw sa isang táong balisá, may suliranin, o nalulungkot.
LIBÁNG

Paglalapi
  • • pag-alò, tagaalò: Pangngalan
  • • alúin, inalò, umalò: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.