KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ak•si•yón

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
accion
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Tingnan ang kílos

2. Tingnan ang galáw

3. Pasiyang tugon sa isang mungkahi o suliranin.
KALUTASÁN

4. Takbo ng mga pangyayari sa isang salaysay.
ÁGOS, BANGHÁY

5. Sapi sa puhunan ng isang samahán o kompanya.
ÁNIB, ISTÁK, SÓSYO

6. Tingnan ang karahasán

Paglalapi
  • • pag-aksiyón: Pangngalan
  • • aksiyonán, inaksiyonán, umaksiyón: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.