KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

a•gád

Bahagi ng Pananalita
Pang-abay
Kahulugan

Mabilis o walang pagkaantala (sa pagganap ng isang kilos).
Umuwi siya agád.
ANTEMÁNO, AGÁRAN, AGÁR, ALIPÁLA, BIGLÂ, DAGLÎ, DÁKA, KAGYÁT, KAPAGDÁKA, KARÁKA, SIGÍDA, KABÚD, BIGLÁAN, KARINGÁT-DINGÁT, BASTÁ, TAMBÍNG

Idyoma
  • agád-káin
    ➞ Ngayon kinita, ngayon din ginasta; kawikaang nagpapahiwatig ng karalitaan.
    Agád-kain lámang ang kíta ko sa pagtitinda.

a•gád

Bahagi ng Pananalita
Pandiwa
Kahulugan

Madaliin o bilisan ang kilos.
BIGLÂ, DAGLÎ

Paglalapi
  • • agarín, inagád, maagád, umagád: Pandiwa
  • • agád-agád, kaagád, maagád: Pang-abay

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.