KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

a•bót

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagbibigay sa pamamagitan ng kamay.

2. Lawak, laki, o sákop ng anumang pisikal.

3. Pagkuha o paghipo sa pamamagitan ng dukwang.

4. Nasasakop ng isip, pang-unawa, o kaalaman.

Idyoma
  • hindî nakaáabót
    ➞ Hindi nakauunawa ng katwiran

á•bot

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Tingnan ang datíng

2. Pagtatagpo o pagtama sa anumang paraan.

Paglalapi
  • • pag-aabót, pag-abót: Pangngalan
  • • abután, abutín, mag-abót, paabutín: Pandiwa
  • • abót-abót, pinag-abután: Pang-uri

a•bót

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Sakóp o nakapaloob sa limitasyon ng anumang kilos tulad ng pag-iisip, paningin, bisà, habà, atbp.
SAKLÁW

2. Nararating o nasasapit.

3. Nahihipo nang nakaunat ang bisig.
Abót niya ang walis.

4. Tingnan ang sagád

Paglalapi
  • • pag-aabót, tagaabót: Pangngalan
  • • abután, abutín, iabót, inabót, maabót, mag-abót, umabót : Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.