KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

tu•bó

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

BOTANIKA Halamang-damo (Saccharum officinarum) na tumataas nang hanggang 5 metro, mahabà ngunit makitid ang dahon, lunti at lila ang katawan, at ginagamit sa paggawa ng asukal, sukà, atbp.

Paglalapi
  • • magtubó: Pandiwa

tú•bo

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

Mahabà, payat, at hungkag na silindrong ginagámit na daluyan ng likido.

Paglalapi
  • • magtúbo: Pandiwa
  • • pantúbo: Pang-uri

tu•bò

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Proseso ng likás na paglaki ng isang halaman kung napangangalagaan.
LAGÔ, YÁBONG

2. Paglitaw ng anumang organikong substance (lalo kung kumakalat).

3. Dagdag na halaga sa presyo ng anumang ipinagbibili upang magsilbing pakinabang.
ENSÍMA, GANÁNSIYÁ, LABÂ, PÁTONG

4. Sinumang taal na mula sa isang pook.

Paglalapi
  • • katutubò, pagpapatubò, pagtubò, patubò: Pangngalan
  • • magpatubò, magtubò, matubò, patubúan, patubúin, tumubò: Pandiwa
Idyoma
  • túbong lúgaw
    ➞ Malaking kíta mula sa maliit na puhunan.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.