KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pa•táy

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagkitil sa búhay ng anuman o sinuman.

2. Anumang wala nang búhay o hindi na humihinga.

Paglalapi
  • • pagkakapatáy, pagpatáy, patáyan: Pangngalan
  • • ipapatáy, patayín, pinatáy, pumatáy: Pandiwa
Idyoma
  • patáy-gútom
    ➞ Napakarami kung kumuha ng pagkain.
  • patáy na loób
    ➞ Hindi marunong kumilala ng utang-na-loob.
  • patáy na lúkan
    ➞ Hindi palakibo; mabagal kumilos.
  • patáy na patáy
    ➞ Napakasidhi ng pagkagusto sa isang tao.

pa•táy

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Wala nang búhay o hindi na humihinga (kung sa tao o hayop).

2. Nakasara o hindi na ginagamit (kung sa aparato).

3. Wala nang dingas o liwanag (kung sa apoy o ilaw).

4. Maputla (kung sa kulay).

5. Walang kasigla-sigla (kung sa kilos o itsura).

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.