KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pag•pa•pa•si•yá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
pasiyá
Kahulugan

1. Pagbuô ng isang palagay, kurò-kurò, kongklusyon, o anumang nararapat gawin.
Ginawa ng gurò ang pagpapasiyá sa away ng kaniyang mga estudyante.

2. Kapangyarihan o karapatang magpasiya o mamahalà sa anuman.
Ang salapî ay nása kaniyang pagpapasiyá.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.