KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pag•ku•kú•lang

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
kúlang
Kahulugan

1. Anumang pagpapabaya o pagkaligta sa tungkulin o paggawa ng nararapat.
May pagkukúlang talaga siya sa nangyaring aberya.

2. Anumang pagkakamali o kasalanan.
Pasensiya na sa mga pagkukúlang ko.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.