KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ór•der

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Ingles
Kahulugan

1. Kaayusan o pagkakasunod-sunod ng anuman.
Ano ba 'yong tamang órder ng mga pangyayari?

2. Bilin para sa bagay na ibig makuha kapalit ng báyad (gaya ng ginagawa sa weyter).
Fried chicken at juice ang órder ko.

3. Tingnan ang útos
Órder daw 'yan ng boss natin.

Paglalapi
  • • iórder, mag-órder, maórder, órderán, órderín, umórder: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.