KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hú•log

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Biglang pagkakapunta sa lapag buhat sa mataas na lugar.
BAGSÁK, LAGLÁG, LAGPÁK

2. Halagang sa tuwi-tuwina ay ibinabayad sa pagkakautang.

3. Pagdedeposito ng pera sa bángko.

4. Pagpapasok ng anumang bagay sa isang bútas na makitid (gaya ng ginagawa sa alkansiya o kahon ng donasyon).

5. KARPINTERIYA Kagamitang pabigat na nakapalawit sa pisi at ginagamit upang tiyakin kung tuwid ang pagkakatayô ng isang bahagi ng bahay.

6. Halaga ng ambag sa isang samahán bílang kasapi.
BÚTAW

7. Tingnan ang sálin

Paglalapi
  • • hulugán, kahulugán, paghuhulóg, pagkahúlog: Pangngalan
  • • ihúlog, hulúgan, humúlog, ipahúlog, maghúlog, mahúlog, makapaghúlog, pahulúgan, papaghulúgin: Pandiwa
Idyoma
  • húlog ng lángit
    ➞ Hindi inaasahang magandang kapalaran.
    Húlog ng lángit ang pagkapanalo niya sa lotto.
  • mahúlog sa kamáy
    ➞ Mapasailalim sa kapangyarihan ng kapuwa.
    Huwag sanag mahúlog sa mga kamáy ng kasamaan ang mga inosente.

hu•lóg

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Hinggil sa anumang nalaglag.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.