KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

há•tol

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagbibigay ng pasiya ng hukuman sa kaso.
Malaláman pa búkas ang hátol ng hukom sa kaniyang kaso.
DESISYÓN, HUSGÁ, SENTÉNSIYÁ

2. Desisyon ng mga hurado sa paligsahan.

3. Tingnan ang pangáral

4. Paalala ng manggagamot sa maysakit.
PÁYO, TAGUBÍLIN

Paglalapi
  • • kahatúlan, paghátol, tagahátol: Pangngalan
  • • hatúlan, hinatúlan, hinátol, humátol, ihátol, maghátol, magpahátol, mahatúlan, pahatúlan: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.