KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

an•yô

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Hugis ng isang bagay sa kabuoan.
HÚBOG, ITSÚRA, KÓRTE, PÓRMA

2. Tingnan ang tindíg

3. Tingnan ang gayák

Paglalapi
  • • kaanyuán: Pangngalan
  • • anyuán, inanyuán, mag-anyô, nag-anyô: Pandiwa
Idyoma
  • magbágong-anyô
    ➞ Mag-iba ng wangis o itsura.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.