KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

am•bág

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Anumang punyagi o gampaning ipinagkakaloob para sa katuparan ng isang hangarin.
Walang katulad ang mga ambág ni Chomsky sa pagpapaunlad ng lingguwistika.

2. Bagay o salaping ibinibigay sa isang koleksiyong panlahat.
Nagbigay ka na ba ng ambág mo para sa salusalo?
DONASYÓN

3. Orihinal na akdang isinumite upang mailathala sa isang publikasyon.
KONTRIBUSYÓN

Paglalapi
  • • ambágan, tagaambág: Pangngalan
  • • ambagán, iambág, inambág, mag-ambág, umambág: Pandiwa
  • • mapág-ambág, palaambág: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.