KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

al•ko•hól

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
alcohol
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. KEMISTRI Likidong walang kulay na madalíng magsiklab na ginagamit na sangkap sa mga inúming nakalalasing.
AGWARDIYÉNTE

2. Likidong kemikal na ipinanghuhugas upang makapuksa ng mga mikrobyo.

3. Tingnan ang álak

Paglalapi
  • • alkoholán, alkoholín, inalkoholán, mag-alkohól: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.