KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ak•mâ

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagiging tugma o nalalapat sa anumang pinag-uukulan.

2. Kilos na may balak gawin.

ak•mâ

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Tumutugma o nakalalapat sa pinag-uukulan.
ADAPTÁDO, AGPÁNG, ANGKÓP, BÁGAY, HUSTÓ, KAMÁ

Paglalapi
  • • pagkaakmâ: Pangngalan
  • • akmaán, iakmâ, maakmâ, maiakmâ, makaakmâ: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.