KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ár•ko

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
arco
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Bahagi ng isang bilóg o guhit na nakakurba sa simetrikong paraan.

2. Estruktura na may ganitong anyo na nagdadalá ng bigat na nása ibabaw nitó gaya ng bubong, tulay, pader, atbp.
BALANTÓK

3. Panghilis ng biyolin at iba pang instrumentong pangmusikang kauri nitó.

Paglalapi
  • • pang-árko: Pangngalan
  • • inárkuhán, umárko, árkuhán: Pandiwa
  • • maárko, nakaárko: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.