KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

á•hon

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagbabâ ng sinuman o anuman búhat sa sasakyáng-dagat.

2. Pag-angat patúngo sa kalapit na rabáw upang umalis sa anumang láwas ng tubig.
SALTÁ

3. Pagtúngo sa mas mataas na pook.
AKYÁT, SAMPÁ

4. Pagtúngo sa bayan.
LUWÁS

5. Pag-aalis ng anumang niluluto na nása kalan, pugon, o apoy.

Paglalapi
  • • ahunán, pag-áhon: Pangngalan
  • • ahúnan, ahúnin, iáhon, mag-áhon, makaáhon, maáhon, umáhon: Pandiwa
  • • paahón: Pang-uri
Idyoma
  • nakaáhon sa útang
    ➞ Nakabayad na sa mga pagkakautang.
    Nakaáhon sa útang si Adrian nang siyá ay manalo sa lotto.
  • bágong-áhon
    ➞ Mangmang, walang nalalaman.
    Ang kilos at ugali ng batà ay nagpapakilalang bágong-áhon siyá rito sa lungsod.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?