KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

tan•dâ


Pangngalan

1. Bagay, gawa, o pangyayari na nagsisilbing pagkakakilanlan ng anuman.
Pagdidilim ng ulap ang tandâ ng paparating na ulan.
LAKDÁ, MARKÁ, PANGITÁIN, SAGÍSAG, SENYÁLES, SÍGNO, SÍGNOS

2. Kahigitan sa gulang ng isang tao sa isa pang tao.

3. Tawag na may paggalang sa isang matandang hindi kakilála.

  • • katandaán, palatandáan, pamandâ, panandâ: Pangngalan
  • • magtandâ, matandaán, pagtandaín, panandâ, patandaán, tandaán: Pandiwa
  • • matandáin, matandâ: Pang-uri

tan•dâ


Pandiwa

1. Nalaláman nang may katiyakan.
Ang tandâ ko, hindi ko dinalá 'yong bag mo.

2. Alalahanin.

  • • matandaán, tandaán, tinandaán: Pandiwa
Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.