KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

ta•lí•no


Pangngalan

Nakahihigit na kakayahan ng isip sa pag-unawa, pangangatwiran, at katulad.
Nagpamalas ng talíno si Pepe sa kaniyang panayam sa telebisyon.
ABILIDÁD, AYÁM, DÚNONG, INTELÉKTO, INTELIHÉNSIYÁ, ÍSIP, TALÍSIK

  • • katalinúhan, pagkamatalíno: Pangngalan
  • • magpatalíno, patalinúhin, tumalíno: Pandiwa
  • • matalíno: Pang-uri
Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.