KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

tú•naw


Pangngalan

1. Proseso ng pagiging likido (gaya ng nangyayari sa yelo na nagiging tubig).

2. Pagbabagong-anyo ng pagkain sa tiyan upang makuha ng katawan ang sustansiya.

  • • pagkatúnaw, pantúnaw: Pangngalan
  • • magtúnaw, matúnaw, tunáwin: Pandiwa

tu•náw


Pang-uri

Nása anyong likido ang minsang buo.

Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.