Hindi kanais-nais na pakiramdam kapag nahaharap sa o naiisip ang anumang mapanganib, pangyayaring nakapipinsala, nilaláng na may kakaibang anyo, at mga katulad na kapahamakan. → ÁGAM, ÁGAM-ÁGAM, BAGÁBAG, KAHADLÓK, SINDÁK
Nanghihina ang loob sa isang tiyak na bagay dahil sa pag-iisip na ito ay mapanganib, nakapipinsala, kakaiba ang anyo, at mga katulad na katangiang nakapapahamak.
Marami akóng kilála na takót sa gagamba.
→ ILÁG, SÍLONG, SINDÁK
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.