KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

sik•wát


Pangngalan

1. Pagsalungkit upang umangat ang dákong ibig makita o paangatin.

2. Pag-angat nang bahagya ng isang bagay sa pamamagitan ng pingga.

3. Tingnan ang nákaw

sik•wát


Pangngalan

Walang abog na pagsuntok sa kapuwa.

sik•wát


Pang-uri

Nauukol sa anumang bagay na ninakaw.

  • • pagsikwát: Pangngalan
  • • isikwát, ipansikwát, manikwát, masikwát, sikwatín, sinikwát, sumikwát: Pandiwa
Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.