KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

si•gáw


Pangngalan

1. Pagsasalita o pagtawag nang malakas sa isang nása malayo.
LÁHAW, HIYÁW

2. Pagsasalita nang mataas ang boses o pagalít sa kapuwa.
BULYÁW

  • • pagsigáw, sigáwan: Pangngalan
  • • ipagsigawán, ipasigáw, isigáw, magsigawán, magsisigáw, pasigawán, pasigawín, sigawán, sumigáw: Pandiwa
  • • sigáwin: Pang-uri
Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.