KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

sa•pà


Pangngalan

Maliit na ilog-ilugang kung panahon lámang ng tag-ulan matubig at kung tag-araw ay halos matuyuan.
SALUYSÓY, SÁNOG

sa•pá


Pangngalan

1. Nalalabí sa pagkaing nása bibig pagkatapos na manguyang mabuti.

2. Pagnguyang mabuti sa kinakain upang makuhang lahat ang katas at ang matirá na lámang ay sapal.

3. Ang natirá sa bibig matapos ngatain ang búyo.

Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.