KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

sam•pá


Pangngalan

1. Pag-akyat sa isang pook o anumang mataas na lugar.
DAPLÁS

2. Pagsakay o pagtatrabaho ng isang marinero sa sasakyáng-dagat.

3. Pagpasok o pagbabalik ng puhunan, maging sa pangangalakal o sa sugal.
ASÉNSO

4. Pagtaas ng tungkulin.

  • • pagsampá, sampáhan: Pangngalan
  • • isampá, isinampá, pasampahán, pasampahín, pinasampá, sumampá: Pandiwa
Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.