1. Paghahalo ng isang bagay sa anuman.
2. Pagkuha sa ibang bahagi kalakip ng isa.
3. Pakikilahok sa anumang kilusan o gawain.
4. Pakikisabay sa paglakad o pagtúngo sa isang dáko.
5. Paghahatid sa kapuwa upang maging patnubay.
6. Pag-aasawa o pagpipisan ng dalawang nagkakaibigán.
1. ANTROPOLOHIYA Mga katutubò na matatagpuan sa lalawigan ng Sulu, Tawi-tawi, Basilan, Zamboanga del Norte, Palawan, at Davao del Norte.
2. LINGGUWISTIKA Tawag din sa wika nilá.
1. Kapintasan sa sinuman.
2. Anumang hindi kanais-nais o hindi mabuti (tulad sa pakiramdam, pag-uugali, pangyayari, katangian, kalagayan, atbp.).
May kimkim na samâ ng loob si Jane sa kaniyang mga magulang.
→ DÁOT
METEOROLOHIYA Namumuong hindi magandang kalagayan ng atmospera na maaaring maging bagyo.
Sinuspende ang klase ngayong araw dahil sa samâ ng panahón.