KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

sa•kít


Pangngalan

1. Hindi kanais-nais na pakiramdam ng katawan.
Matinding sakít ng ulo ang naramdaman ko.
HAPDÍ, KIRÓT

2. Anumang karamdaman ng tao, hayop, atbp.
DIPERÉNSIYÁ, KARAMDÁMAN, KONDISYÓN

  • • maysakít, pagkakasakít, pananakít: Pangngalan
  • • magkasakít, magpasakít, manakít, nagkasakít, pinasakít, pinasasakít, saktán, sumakít: Pandiwa
  • • mapaghinanakít, masakít, masasakitín, masasaktín, sakítin: Pang-uri

sá•kit


Pangngalan

Pagtitiis upang makamit ang isang pangarap o hangarin.

  • • malasákit, pagmamalasákit, pagpapakasákit, pagsasákit : Pangngalan
  • • pasakítan : Pandiwa
  • • mapagmalasákit: Pang-uri
Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.