KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

sad•yâ


Pangngalan

1. Anumang bagay na ibig matamo sa isang dinalaw.
PÁKAY

2. Kusang-loob na pagdalaw sa isang ibig hingan ng tulong o pangangailangan.

sad•yâ


Pang-uri

Nakaalinsunod sa plano o ibig mangyari.
Sadyâ ang pagharurot niya kayâ nabundol ang bata.

  • • pagsasadyâ: Pangngalan
  • • magsadyâ, manadyâ, nagsadyâ, pinasadyâ, sadyaín, sinadyâ, sumadyâ: Pandiwa
  • • pagsadyâ, pasadyâ: Pang-uri
Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.