KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

sa•lín


Pangngalan
Hiligaynón, Sebwáno, Waráy

Tingnan ang tirá

sá•lin


Pangngalan

1. Paglilipat ng laman ng anuman sa ibang sisidlan.

2. Paggawa ng bágong sipi o kopya ng isang sulat, larawan, atbp.
HIPNÓ, KÓPYA

3. LITERATURA Paglilipat sa ibang wika ng anumang kasulatan o katha.
HÚLOG, TRADUKSIYÓN

4. Paglilipat ng tungkulin sa iba.

5. Paglilipat ng mga pasahero o kargada.

6. Endoso o paglilipat ng dokumento, komunikasyon, sirkular sa mga tanggapan.

  • • pagkasálin, pagsasálin : Pangngalan
  • • ipinasálin, isinálin, isálin, magpasálin, magsálin, masalínan, masálin, nagpasálin, nagsálin, pagsalínan, salínan, sinalínan: Pandiwa
Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.