KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

sá•gap


Pangngalan

1. Pag-alam sa isang balita sa pamamagitan ng mga bulong-bulungan o sabí-sabí.

2. Anumang nakukuha sa ibabaw ng tubig.
LINÁB

3. Anumang nasisinghot o nalalanghap.

  • • pagságap, pagságap, panágap: Pangngalan
  • • ipaságap, ipinanságap, manágap, maságap, sagápin, sumaságap, sumágap: Pandiwa
  • sumágap ng alimúom
    ➞ Tumanggap ng kung ano-anong uri ng balita.
    Nakakaiinis ang babaeng iyan, pumunta na naman sa kalye upang sumágap ng alimúom.

sá•gap


Pangngalan

Masinsin at maliit na lambat, karaniwang yarì sa sukob, na ginagamit na panghúli ng maliliit na isda o hipon.

  • • sagápin : Pandiwa
Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.