1. Hindi na malalagyan ng laman o hindi na mapasukan dahil wala nang puwang.
Punóng-punô ng ulam ang platong inihain sa amin.
→ PAGAWPÁW, TIGÍB, SIKSÍK, PAÚLO, PUTÓS, PUSPÓS
2. Naubos na ang pasensiya; inis na inis.
Punóng-punô na akó sa ’yo kayâ tumigil ka!
→ SAÍD, SAGÁD
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.