KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

pá•tid


Pangngalan

1. Pagkatisod ng paa ng isang lumalakad.

2. Kusang paghaharang ng paa upang matisod ang sinumang ibig gawan ng ganito.

  • • patírin, pinátid, pumátid: Pandiwa

pa•tíd


Pangngalan

1. Pagputol o pagkaputol ng bagay na pahaba at tuloy-tuloy (lalo na kung lubid, sinulid, o ugat).

2. Pagkahinto ng dáting patuloy na nangyayari o ginagawa.

  • • kapatíd: Pangngalan
  • • patirín, mapatíd, mapatdán, pumatíd: Pandiwa

pa•tíd


Pang-uri

Nauukol sa mga pinutol na pahaba at tuloy-tuloy (lalo na kung lubid, sinulid, o ugat).
LAGÓT

Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.