KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

pa•ram•dám


Pangngalan
pa+damdám

1. Pagpapabatid ng isang bagay na hindi nakikita o lingid sa pandamá ng isang tao.

2. Anumang sinabi o ginawa upang may ipahiwatig sa sinuman.

3. Pagkakaranas ng presensiya ng multo (lalo kung ipinalalagay na yumaong mahal sa búhay).

  • • iparamdám, magparamdám, nagpaparamdám: Pangngalan
Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.