KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

pa•na•yám


Pangngalan

1. Pagtatagpo ng dalawang tao o higit pa upang mag-usap.
Naging makabuluhan ang kaniyang panayám sa pangulo.

2. Tingnan ang ínterbiyú

3. Tingnan ang lektúra
Pinalakpakan siya sa kaniyang maimpormasyong panáyam sa lingguwistika.

4. Tingnan ang kumperénsiyá

  • • kapanayám, pakikipágpanayám: Pangngalan
  • • kapanayamín, magpanayám: Pandiwa
Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.