Anumang huwarang pinagkasunduan o pinagtibay; sukatán na ginagamit na salígan upang pagpasiyahan ang súkat, dami, laki, uri, timbang, halaga, antas, kahusayan, kawastuan at iba pang anuman, alinsunod sa pasiya ng kinauukulang kapangyarihan o ng iba pang kinaugalian. → ISTÁNDARD, SUKATÁN, BATAYÁN
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.